Thursday, November 22, 2012

#WorldTeachersDay Speech na Kamoteness

Para sa guro kong di ko matandaan ang pangalan, pero tandang-tanda ko na hinampas nya ng cardboard yung dalawang kamay ko na maayos na nakalapat sa desk, na parang reding redi na magpahampas talaga. Di ko matandaan kung ano kasalanan ko dito. Basta. Ewan ko dun.
Para sa guro kong unang chinallenge ang murang utak ko nung kinder pa ko na magmemorya ng isang graduation speech, isang yellow paper back to back. At pinuri naman ako dahil exceptional daw ang bilis kong makapag-memorize. Pero naghimutok pa rin kalooban ko nun. Bakit sakin yun na-assign e second lang ako, tapos yung first honor, prayer lang. Nasan ang hustisya?
Para sa mga guro ko noong elementarya na itinuring akong paborito at kinilala ang aking katalinuhan dahil ako na pinagsusulat nila sa blackboard (kaganda daw kasi ng handwriting ko NOON) at ako na rin ang nagbibigay ng exams sa mga classmate ko at syempre exempted ako sa mga exams na yun. Pinagaan nyo ang buhay ko. Pramis.

Para sa mga guro kong buong tiwala na isinali ako sa mga tula at declamation contests pati na rin sa essay writing contests at quiz bee. At mantakin mong pati sa beauty contests. Tsk. Kung alam nyo lang yung kahihiyan na tinamo ko nang mga panahon na yun. Hehe, joke lang. Kahit papano, natulungan nyo kong i-build up ang image ko bilang isang nagpapaka-TH na nerdy. At opo, bahagyang kumapal ang mukha ko ng ilang inches.

Para sa guro kong nagturo sa amin ng musika at kung pano bumasa ng nota. Gamit na gamit ko po yun ngayon. Kaganda kong kumanta eh. Haha.

Para sa mga naging guro ko na nagturo kung pano magtanim ng talong, okra, pechay at monggo. Sorry po kung yung garden naman ay malnourish compare sa ibang mga garden ng classmates ko. Tamad lang po talaga ako nun magbungkal ng lupa, magdilig araw-araw at nasobrahan ko po ata paglalagay ng fertilizer nun.

Para sa mga naging guro ko na sobrang tiwala sakin eh ako na pinag-checheck ng mga testpapers namin. Opo, advantage yun sakin kasi pede ko palitan yung mga sagot ng mga classmates ko, i-correct yung spelling ng essay ng crush ko, at maliin yung sagot ng kaaway ko (joke 'to syempre, alam nyo namang mabait ako). Alam nyo bang pressure na pressure ako non kasi dapat ako ang may pinakamataas na score kasi nga nakakahiya naman kung may mas mataas pa sakin pero ako pa rin magchecheck. Baka isipin ng iba, favoritism kayo. Hehe.

Para sa mga naging guro ko nung highschool na hinahayaan lang ako matulog sa likod habang nagkaklase. Sorry po. Style ko yun. Nakikinig naman po ako nun, nakapikit nga lang.

Para sa mga guro kong hindi pinapansin ang nangyayaring kaguluhan sa may bandang likod ng room tuwing exams. Opo, nagkokopyahan po kami nun. Sorry din po, nag-aauthor din po ako ng mga kodigo nun, pinapahiram ko pa po sa mga classmates ko. Nag-aral naman po talaga ako night before the exam. Ang di ko lang po maintindihan nun ay kung bakit kinabukasan paggising ay parang bulang maglalaho lahat ng inaral ko. Inanod po ata kasabay ng mga panaginip ko.

Para sa mga guro kong naka-join ko sa pagbabasa ng mga pocketbooks, hiraman pa kami. Cool.

Para sa naging guro ko na pinagsulat ako ng "I will not do it again." paulit ulit ulit ulit hanggang maubos ang isang pad ng papel ko dahil lang hindi ako nakapag-english at hindi naka-attend ng flag ceremony.

Para sa guro kong nakahuli sa kin habang natutulog. Nawindang po ako nung bigla nyong tinawag ang pangalan ko. Nag-alpasan lahat nga antok sa katawan. Salamat po sa panggigising.

Para sa guro kong binigyan ako ng 75% sa Math dahil hindi ako nagno-notes. Na-realize kong importante ang notes para makakuha ng 90% na grado. Salamat din po at pinahanap nyo sakin ang value ng "x". Ngayon ko lang po na-realize, wala silang value. ^_^v

Para sa guro kong binigyan ako ng INC dahil may na-miss akong exam dahil umabsent ako dahil tinamad ako. Naturuan nyo ako kung pano pumila sa registrar para kumuha ng mga forms, at kayanin ang pila sa cashier para magbayad, at kung pano magmakaawa para lang bigyan ako ng chance na makamit ang inaasam-asam na 3.0.

Para sa lahat ng mga naging teachers/professors ko. maraming salamat po. Di nyo man naituro sakin kung pano mag-cast ng spell tulad ng "Avada Kedavra" eh binuo nyo naman ang pagkatao ko. Lahat ng mga juices na napiga ko sa kamote kong utak, yun ay dahil sa inyo. Pasensya na lang po at medyo stagnant at nilulumot na utak ko ngayon, dahil po yun sa aging at pollution, pramis!

Muli, maraming salamat po ^_^
Happy Teachers' Day!
(FB Status ko noong Teachers' Day)

Eto din yun eh, click mo =)

No comments:

Post a Comment