Sino nga ba si Tet? Bakit sya nandito sa mundong ibabaw? Ano nga ba ang misyon nya sa daigdig?
Naks!
See?! Intro pa lang nakakasuka na.
But that won't stop me from blabbering here kung sino talaga ako.
Sino ako?
Well eto ako..
*Full Name: Ma. Theresa Paglicawan Rara (until now di ko pa natatanong mga magulang ko kung bakit ganito kasimple pangalan ko)
*Nickname: Tet, Tetet, Tetiful, Teresita (pag galit si Mama), Tes, Teriray, Rara
* 25 years old na feeling 16 years old na may pusong pang-10 years old
* sa Las Pinas ako ipinanganak, tapos lumipat kami ng Bohol (tagarito si Papa) tapos lumipat naman ulit kami sa Mindoro (tagarito naman si Mama) tapos bumalik ulit kami sa Bohol tapos lumipat ako sa Iligan City tapos lipat naman ulit sa Makati :)
* eto nga nakatira ngayon sa Makati, nakikibaka sa hamon ng mundo
* 3 sisters kami at ako panganay
* Graduate ng BS- Accountancy sa MSU - Iligan Institute of Technology
* naka-tsamba, naging CPA
* matalino ako.. sabi nila (sino sila?)
* 2 times lang na-dean's list
* pero consistent honor student ako from kinder to highschool
* 1.0 sa English Literature
* 3.0 sa Math 1
* i hate Algebra, Calculus, Statistics, Trigonometry, Geometry at lahat ng mga Math subjects.. isama mo na rin ang Chemistry at Physics.
* may kasumpa-sumpang galit sa mga mathematicians at kung sinu-sino pang nag-imbento ng mga mathematical formulas ek-ek na yan. if given a chance, magbo-volunteer talaga ako sa pag-assassinate sa mga yun. pahirap ang puteek!
* hindi ako genius, madiskarte lang
* i read a lot, kahit label ng lata ng sardinas binabasa ko
* tinry ko na rin basahin ang Bible word for word pero hanggang Genesis lang kaya ko, di ko pa natapos
* i invest on my brain rather than on my looks, chos!
* sobrang nalango ako nun sa Sting, I-On, Bacchus pag may exams (i miss those days)
* walang epek sakin ang kape kahit kasing tapang pa yan ni Lapu-Lapu
* antukin kasi talaga ako eh. yun nga, sa kama lang talaga umiikot ang buhay ko (literally)
* minsan na ring natawag sa klase dahil nahuling natutulog
* UU, marunong din ako mangopya at naging author na rin ng mga kodigo nung highschool
* Mahilig akong magsulat. Kahit ano sinusulat ko, mga kadramahan, kakornihan at katangahan sa buhay.
* Mahilig ako magbasa ng novels, English and Tagalog.
* Favorite ko nga Harry Potter, yung Twilight Saga, Nancy Drew at Hardy Boys, PHR novels, Philippine Inquirer, Cosmo mag, John Grisham and Nicholas Sparks pati KikoMachine.
* I love Greek mythology.
* Favorite ko din yung story nina Cupid and Psyche.
* Minsan na ring nangarap maging ramp model.
* Pero first dream ko talaga maging teacher. Sobrang obsessed ako sa mga class records nun.
* Payat ako. Since birth. Sinumpa daw kasi ako haha.
* Pero hindi ako anorexic. Pangarap ko rin talaga tumaba.
* At tumangkad. Kahit 5'2" lang. Please..
* Every New Year's Eve, tumatalon.talaga ako hoping na may pag-asa pa.
* Lagi akong bad hair day.
* I got sweaty hands and I hate that.
* May sixth sense at third eye pagdating sa food.
* Hindi ako mahilig sa chocolates and cakes.
* Pero naglalaway talaga ako sa hipon at alimango.
* Favorite color: Pink!
* Pero hindi ako kikay.
* And I don't fancy makeups and stillettos. Mas gusto ko dun sa komportable ako.
* Hindi ko idol si Manny Pacquiao
* Kasi wala akong hilig sa boxing
* Hindi ko rin idol ang Azkals
* Hindi ko rin hilig ang basketball. Hanggang ngayon di ko pa rin naiintindihan ang game na to.
* Hindi kasi talaga ako sporty na tao.
* Gusto ko lang game ay tong its haha.
* Matagal ko na gusto matuto magDota pero wala lang magtuturo.
* adik ako sa SIMS (3).
* Mahilig kumanta. Lalo na sa videoke.
* Kasi hidden desire ko talaga maging vocalist ng isang banda. Naks, di na yun hidden ngayon.
* Nag-aral din ako mag-guitar. At D-A-G-A lang naging bunga ng kalyo ko dun.
* Pati keyboard kinarir ko rin. At Jingle Bells at Joy to the World lang na-master ko.
* Sobrang na-inspire kasi ako nun nung napanood ko yung piano scene sa My Sassy Girl.
* Mahilig sa alternative pop rock.
* Crush ko sina Yael Y. and Kean C.
* Super idol ko ang Boyce Avenue and Taylor Swift.
* Pag naririnig ko ang Silent Sanctuary, di ko mapigilang magsenti mode. Ewan, ang ganda talaga ng mga songs nila, tipong marerealize mo na inlove ka pala at pag broken hearted ka naman, mas mraramdaman mo yung sakit. Basta ganun epekto nila saken.
* Pagdating sa music, masokista ako. Mas masakit, mas maganda pakinggan.
* Dati mahilig ako sa anime
* Favorite ko SlamDunk, Fushigi Yuugi, Ghost Fighter, Flame of Recca, Detective Conan, Magic Knights, Hunter X Hunter.
* Pero di ako nanonood ng Naruto (sino ba yun?)
* Mahilig manood ng mga romantic movies at yung mga malalalim ang istorya (pa-deep lang).
* Hindi ko hilig ang mga teleseryeng paikot ikot lang naman ang kwento.
* Oo na, simula noon hanggang ngayon, pangarap ko pa rin maka one-night stand si Papa Piolo (so what kung bading sya?!)
* ayoko kay KC!
* asar ako sa lovelife ni Sarah G.
* naiimbyerna ako kay Gary V. at Justin Bieber at Charice
* Kapamilya ako.
* Dati Smart loyalist ako. Pero now, Sun nako (pero may backup pa ring Smart)
* I hate politics and politicians.
* Di ko dream maging presidente ng Pilipinas kahit pa ipilit sakin ang posisyon na yan.
* I'm a green person. I love nature.
* Mahilig akong magala. Maraming beses nang naligaw. I just love to travel.
* I love pets (dogs and cats).
* Ayoko makakita ng kabayo na may hilang kalesa.
* Bumibili ako ng mga pirated dvd's kahit alam kong illegal.
* Mahilig ako mag download ng mga mp3's, games, softwares, ebooks etc.
* As much as possible, ayoko pumunta ng wet market. Bakit? Kasi wet dun.
* Ayoko ng maputik.
* Nasusuka at sumasakit ulo ko sa mga aircon buses.
* I dont hold grudges (kahit pilitin ko sarili ko, ayaw talaga)
* Marunong naman ako magmura. Hindi lang halata.
* Ipis lang nakakapagpatili sakin.
* Oo, takot ako sa ipis. Lumipad na lahat wag lang ipis!
* Baka never mo pa ko naririnig sumigaw.
* Tahimik kasi talaga akong tao. Ganun ako ka-peace loving.
* Madalas kinakausap ko sarili ko (at sumasagot naman sya).
* Bestfriend ko si God. Siya madalas ko kausap. Minsan nga feeling ko schizo ako kasi naririnig ko kinakausap Nya rin ako.
* Minsan na rin ako nagka identity crisis.
* Malambing ako, sobra!
* At tsaka magalang.
* Mabait ako dati, ngayon di na.. mahirap panindigan 'to eh.
* Matigas ulo ko when it comes to love (ahihihih)
* Hindi ako hopeless romantic, im such a hopeful one :)
* Nocturnal ako.
* Minsan na ring napagkamalan as Wonderwoman. Di po totoo yun, si Darna po ako, hahah!
* Hindi ako mahilig makialam at ayoko ring pinapaki-alamanan.
* OC but at the same time, makalat and disorganized (organized mess yun, hahah).
* Sa lahat ng bisyo, pinaka-ayaw ko is yosi!
* Biggest turn off ang bobo at walang sense kausap.
* Bad trip sa mga mayayabang, papansin at maaarte.
* Pag yumaman ako, paparetoke ko talaga eyebags ko.
* Naniniwala ako sa karma.
* Totoo ba ang déjà vu? I’m experiencing sometimes.
* Mababaw ang kaligayahan.
* Mababaw ang luha.
* Umaasang dadating si Prince Charming.
* I still believe in happy endings.
No comments:
Post a Comment