Friday, November 23, 2012

SA DALAMPASIGAN


Sa isang gabi na nababalutan ng liwanag ng bilog na bilog na buwan, isang babae ang makikitang nakaupo sa buhanginan, nakaharap sa tahimik at payapang dagat na nagdadala ng mga mahihinhing alon. Siya si Sandy. At sa mga oras na ‘yun, wala siyang ibang ginawa kundi ang langhapin ang malamig na simoy ng hangin, nakatitig sa mga maliliit na ilaw na nangakalutang sa dagat na dala ng mga mangingisda na pumapalaot, habang nag-iisip nang malalim.

Ilang sandali lang ay naramdaman niyang may papalapit sa kanya. Nang lingunin niya ito ay isang pamilyar na nakangiting mukha ang nasilayan niya- si Arnel, ang kanyang kababata.


Sandy: Uy Arnel, ikaw ba ‘yan?

Arnel:  Hahah, buti naman kilala mo pa ako…

Sandy: Ano ka ba? Syempre naman kilala pa rin kita noh. ‘Yang pagmumukha na yan, malilimutan ko? Nevah! Ikaw yatang knight-in-shining-armor ko noon diba? ‘Lika, upo ka. Kwentuhan tayo!

Arnel: (tumalima nga at umupo na sa tabi ni Sandy) Talaga bang gusto mong makipagkwentuhan sa ‘kin? Or mas gusto mong mapag-isa na lang muna ngayon?

Sandy: Huh? Pa’no mo naman nasabing gusto kong mapag-isa ngayon?

Arnel: Eh tingnan mo nga ‘yang mukha mo, ang lungkut-lungkot tapos umiiyak ka pa.

Sandy: Huh? Pa’no mo naman nasabing umiiyak ako aber?

Arnel: Asus, deny ka pa eh halata naman. Fullmoon kaya ngayon ineng kaya bakas na bakas sa mga mata mo na umiyak ka nga. Bakit? Mali ba ako ng sapantaha?

Sandy: Talaga? Ganun na ba talaga kahalata?

Arnel: So, umiyak ka nga? Tama ako. Hahah, pasensya na, ang totoo hinulaan ko lang naman ‘yun.

Sandy: Ikaw talaga, hanggang ngayon pang-asar ka pa rin.

Arnel: At asar-talo ka pa rin, hahah…
           
Pagkatapos ay ilang sandaling katahimikan ang pumailanlang.

Arnel: ‘Eto seryoso na… Bakit ka nga ba malungkot ngayon? Kamakalawa lang, nakita    ko pagbaba mo ng bangka ang laki-laki ng ngiti mo. ‘Yung parang siyang-siya ka sa mga nangyayari.

Sandy: Nakita mo ‘ko nung pagadting ko? Eh ba’t hindi kita nakita?

Arnel: Kasi naman po, iba hinahanap ng mga mata mo…

Sandy: Ano ibig mong sabihin?

Arnel: ‘Yung family mo. Super happy ka nang makita mo sila ulit.

Sandy: Syempre naman! Mahigit 5 taon ko na ding ‘di sila nakikita noh. At tsaka hello?! Family ko kaya ‘yun noh!

Arnel: Eh si Josef?

Sandy: What about Josef?

Arnel: Asus, kunwari ka pa eh super obvious naman ‘yung naging glow ng mata mo nung nakita mo siya.

Sandy: Hmp! Hula na naman ba ‘yan?

Arnel: Tingin mo?

Sandy: Ay ewan ko sa’yo!
           
Isang sampung segundong katahimikan na ulit ang sumunod.

Arnel: Mahal mo pa rin ba siya?

Sandy: (hindi sumagot)

Arnel: Ikakasal na siya next week. Kasabay mo pa ngang umuwi ‘yung fiancĂ©e niya kamakalawa eh.

Sandy: Alam ko na ‘yun. Kaya nga andun din siya, sumalubong noong dumating ako diba? Hahay, akala ko pa naman ako ang inaabangan niya noon. Ay naku, drop that topic! Eh ikaw kamusta ka na? Kelan nga ba tayo huling nagkita? Last    highschool graduation pa ‘ata ‘yun? Matagal na nga. Pero look at you now! Naks, mamang-mama na ang dating natin ah..

Arnel: Well, wala namang masyadong nagbago sa buhay ko dito sa probinsiya. ‘Eto, pagkatapos maka-graduate ng college, ako na nagbantay ng sari-sari store namin. Mahina na rin kasi sina Mama at Papa. Then si Liza, ‘yung kapatid ko, pinagtatapos ko pa. By next year siguro makaka-graduate na siya. Katulad mo, Nursing din course niya.

Sandy? Talaga?

Arnel: Oo. Simpleng buhay lang pero masaya na rin.

Sandy: Masaya?! Eh ba’t hindi naman halata sa mukha mo na masaya ka talaga?

Arnel: (ngingiti lang)

Sandy: May girlfriend ka na ba? Or asawa? Hmmm..

Arnel: None of the above.

Sandy: Hindi nga? Imposible naman kasi eh. Cute ka naman, mabait. For sure, marami      na ring nagsu-swoon sa’yo na mga girls.

Arnel: Ikaw, hanggang ngayon bolera ka pa rin. Pero totoo ‘yun, no-girlfriend-since-birth talaga ‘to.

Sandy: As in? Why naman? Don’t tell me bakla ka, hahah!

Arnel: Hahaha! Eh bakit ikaw, may boyfriend ka na rin ba?

Sandy: Well just like you, no-boyfriend-since-birth din ako.

Arnel: Ows? Sa isang city girl na katulad mo, ‘yan ang isang bagay na napakahirap paniwalaan. Not unless dahil ‘yan sa isang bagay. Or sabihin na nating dahil sa isang tao?

Sandy: Anong ibig mong sabihin?

Arnel: Si Josef pa rin diba?

Sandy: Waaah! Bakit ka ba ganyan?

Arnel: Anong ganyan?

Sandy: Ganyan na ba talaga ako ka-transparent para makita mo kung ano talaga ang nararamdaman ko? Bakit ka ba ganyan?

Arnel: So totoo nga?

Sandy: Sige na, sasabihin ko na pero promise mo secret lang natin ‘to hah.

Arnel: Opo sige secret lang natin ‘to, promise! Cross my heart pa!

Sandy: Hope to die?

Arnel: Ano?! Wala namang ganyanan…

Sandy: Hahah, joke lang! Sige aaminin ko na… Hanggang ngayon mahal ko pa rin si        Josef. Pinilit ko naman siyang kalimutan simula nung pumunta ako ng Manila para mag-college. Pero ewan ko ba, wala pa rin akong nagawa. Nung college pa nga ako wala akong pinapansing mga boys kasi naka-store na sa puso ko noon na siya lang talaga ang soulmate ko. Kaya nga super excited ako na makauwi ulit dito sa probinsiya, para ipagpatuloy sana ‘yung love story namin. Tapos ang madadatnan ko lang pala ay isang katotohanan na ikakasal na siya and it’s not with me. Kaya super lungkot talaga. Nasayang lang ‘yung napakahabang time na pinaghintay ko. Kahapon nga nakita ko sila sa church, sobrang saya nila. At   kitang-kita ko rin kung ga’no kamahal ni Josef ‘yung girlfriend niya. Nung time na ‘yun, na-feel ko rin na sila nga siguro ang talagang meant for each other at nagha-hallucinate lang ako nung mga times na naisip ko na kami lang dalawa ang bagay para sa isa’t isa. Kasi ang totoo, never namang naging “kami” eh. So funny nga kasi diba nung mga highschool pa tayo, kami palagi ni Josef ang partner? Loveteam pa nga kung tawagin diba? Ako ang muse, siya naman ang price charming. Halos sa lahat ng bagay magkatambal kami. Kaya siguro nain-love ako     nang ganun katindi sa kanya noon. We were so inseparables to the point na iniisip na ng halos lahat ng tao sa school na may “thing” nga between us.

Arnel: Kaya nga rin walang nangahas manligaw sa’yo noon kasi ang alam nila, you are Josef’s girl.

Sandy: Talaga? Ganun din siguro sa side ni Josef. Diba wala din namang ibang mga girls na na-link sa kanya noon? Everybody’s thinking na boyfriend-girlfriend kami noon. Pero ang totoo wala naman talaga eh. Di ko nga alam kung anong tawag dun eh.

Arnel: M.U.
Sandy: MU? Siguro nga. Infatuation lang siguro ‘yun. Pero alam mo, with my young        heart pa noon, I considered that as love na. Kaya siguro ganito kasakit ngayon. You see, Josef is my first love.

Arnel: So anong plano mo ngayon?

Sandy: Well, aalis na ako bukas. Babalik na ako ng Manila. May mga inaasikaso din kasi akong mga papers dun. Then ‘pag tapos na, I’ll be flying to London na. Natanggap kasi ako dun bilang nurse.

Arnel: Aalis ka na?

Sandy: Oo eh. ‘Pag dito, wala naman akong mapapala. Kita mo, nabroken-hearted pa ako.

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng isang boses na tumatawag sa pangalan ni Sandy.

Sandy: Ay si Mama na ‘yun, tinatawag na ako…

Arnel: Eh kelan ang balik mo diot?

Sandy: (daha-dahang nagng tumayo habang nagpapagpag ng buhangin na dumikit sa kanyang damit) Di ko pa alam eh. Kaylangan ko din sigurong umalis para makapag-move on naman kahit papano. It would take time, I know. Pero sana makaya ko. Don’t worry babalitaan din naman kita paminsan-minsan eh. We’ll still keep in touch. At tsaka malay mo nasa London lang pala talaga ang soulmate ko diba?

Arnel: Baka nga… (at sumunod na ring tumayo)

Sandy: Pero… Naniniwala ka ba sa saying na “first love never dies”?

Arnel: Ahmmm…

Sandy: Anyway sige papasok na ‘ko sa bahay. Maaga pa rin kasi alis ko tomorrow eh.                    Sige good night Arnel! Mami-miss kta! Babye!

Arnel: Good night. Mami-miss din kita!

Nang mawala na sa paningin ni Arnel si Sandy ay noon lang niya naramdaman ang katahimikan at lamig ng gabi.

Arnel: “First love never dies”? Naniniwala ako dun Sandy… Kaya nga hanggang ngayon              mahal pa rin kita eh…

At nilisan na niya ang lugar na iyon nang may nangingilid na luha sa mga mata…

No comments:

Post a Comment