Pabaling-baling sa kama, di mapakali. Animo'y nagapangan ng higad at nangangati.
Naks! Nakabuo ako ng rhyme. Haha.
Kamote. Di na naman makatulog at napaka-aktibo pa ng diwa ko. Kaya naisipan kong magtimpla ng kape. Pampatulog daw.
Sabaw talaga ako pagdating sa pagtitimpla ng kape. Hindi ko makuha ang tamang lasa. Kaya mas madalas pa sa always na sa 3-in-1 ang bagsak ko.
Nakipagtitigan sa kape.

Pinapakiramdaman ang init kung keri na ba ng dila ko. Tapos isang lagok. Tapos nagmuni-muni.
Kape, bakit antapang mo? Pero pag iniinom kita, di man lang ako mahawa sa kahit 10% ng katapangan mo?
Syempre hindi nakasagot yung kape.
Kape, sino mas trip mo? Si creamer na nagbibigay liwanag sa madilim mong mundo? O si sugar na nagpapatamis ng mapait mong mundo?

No comments:
Post a Comment