Wednesday, November 21, 2012

Ang Mahiwagang Time and Space


"I need time and space."


Exagge. Overrated.
Dati nakokornihan ako sa linyang yan.

Kasi naman diba kung mahal mo talaga ang isang tao hindi mo maiisipang lumayo sa kanya. Na kung may problema mang nangyayari, aayusin nyo yun sa paraan na walang iniiwanan at nang-iiwan. Kasi nga andun naman yung love.

Napaka-idealistic ko kasi dati.
Para sakin, basta may love everything will be okay. Walang magiging problema.
Para sakin nun, pag sinabihan ka ng ganyan ibig sabihin nun gusto na nya makipagbreak sayo.

I need time. - oh eto wall clock, saksak mo sa baga mo, isama mo na rin tong alarm clock.

I need space. - sure sige, dun ka sa outer space, lawak ng space dun eh.

I need to find myself. - lintek, eto world map. Goodluck, sana mahanap mo pagmumuka mo. Try mo rin google map para mazoom mo pa.

Basta ganun, negative ang dating nun saken.
And then napanood ko yung nangyari kina Basha at Popoy nang napakaraming beses. Hehe sa lahat ng tagalog movies, ito na yata yung kahit gabi gabi ko pang panoorin eh di ko pa rin pagsasawaan. (pumapangalawa yung my amnesia girl).

So yun nga, sina Basha at Popoy.
Alam nating mahal nila ang isa't isa.
But still, nagrequest pa rin si Bash ng kanyang space and time.
Why oh why?
Aba malay ko, tanungin nyo si Basha na matigas.

Basta masasabi ko, love is not enough. It is never enough. There is that thin line between love and happiness. Sa sobrang thin hindi mo halos mapapansin, kakailanganin mo ng teleskopyo. Pero dahil malaki ang mata ko, nakikita ko yun (chos lang).

So ayun nga, cry to death ako sa movie na yun. Napaka life-changing kumbaga. Nagbago pananaw ko sa buhay (naks). At bilib na bilib ako kay Basha kasi nakaya nyang gawin yun kahit mahal na mahal nya si Popoy. Oo naging selfish sya, inuna nya yung sarili nyang happiness. Pero hello? Kaninong happiness ba dapat nating iprioritize diba?

Tapos yun na nga, hindi lang yung movie na yun ang pinaghuhugutan ko ngayon. Aba'y syempre may sariling experiences din ako sa ganyang mga bagay na di lang ginawang movie kasi alam mo na, kadiri yuck hahaha. Magmumukang horror daw haha.

Sa totoong buhay, may mga minamalas na hindi kayang pagsabayin ang love at happiness (ahem dont look at me like that ahihih). Kaya nila nasasambit ang mga katagang "I need time and space". Wag natin silang murahin at kasuklaman nang dahil lang jan. Lahat ng bagay may dahilan, lahat ng salitang binibitawan may pinaghuhugutan. At yun ang dapat tuklasin, alamin ang nararapat gawin.

Saan, saan ako nagkamali?

Basta ganun, once you heard those words, kabagan ka na.. Kabahan pala. Seryosong bagay yan. Hindi na siya masaya. At madalas sa minsan kailangan mong pagbigyan ang kahilingan na yun. Hindi lang dahil sa yun ang ipinipilit nya kundi dahil mahal mo siya at ayaw mong nahihirapan siya. Kasi ikaw rin naman ang mahihirapan. Ikaw rin ang masasaktan pag nakikita mo na hindi siya masaya, pag nakikita mo na meron siyang ibang gustong gawin. Hindi lang sayo umiikot ang mundo nya (naks ulet).

Babalik din sya sayo pag okay na siya. Dadating yung time mamimiss nya rin yung pagmamahal mo sa kanya. Kung hindi mangyari yun, belat! Olats ka haha. Just kidding. Dun mo masusukat ang tunay na pag-ibig (yuck, what a word).

Hindi ko alam kung pano tatapusin to. Nung highschool tinuro samin na pag gumagawa ng essay or whatever chorva, dapat may conclusion. Eh kaso hindi naman graded ito kaya wala na lang muna conclusion hah. Pasensya. Pasensya. And besides, depende na sa tao yun kung ano magiging ending ng lab story mo. Yun ang conclusion dun.

So ano na nga? Hold on or let go?

Anak ng.. Ending na nga eh kalat kalat pa rin yung thoughts haha.

Basta yun na yun.

"Ano nga yun?" sabi naman ng subconcious mind ko.

Ang gulo ng utak ko, overflowing (naks) penge nga timba haha.

Just love and love and love.

Oo minsan nakakasakit, madalas nagpapaiyak, nagpapasikip ng dibdib, may mga gabing di ka patutulugin. But who cares? Do you care? Hindi rin naman diba? Nagmamahal ka parin despite the pain. So panindigan mo na, dont give up on love. But also, be brave to surrender.

Eto din yun eh, click mo =)

No comments:

Post a Comment