Friday, December 28, 2012

Love At First Sight?! Pweh!

If love is blind, anong kagaguhan ang love at first sight?
Sa totoo lang, after 25 years nang pamamalagi at pagtulala sa mundong ibabaw ay may isang topic pa rin akong di magets-gets sa buhay. Love at first sight.

Alam kong maituturing nang epidemya ang phrase na ito dahil na rin sa pagiging laganap nito saan mang sulok ng mundo. Sa mga drama sa radyo, mga nakakaurat na teleserye sa TV, mga nakakaumay sa katamisang pelikula sa sinehan, mga librong nagtatae ng kakornihan, mga masinsinang usapan ng mga tambay sa eskinita, sa gitna ng umaatikabong rounds ng tong-its ng mga senior citizens. Samakatuwid, hindi na bago ang eksena kung saan ilang patong ng libro ang bitbit-bitbit ng isang tanga at reckless na babae na makakabangga naman ng isang lalaking nagmamadali dahil hinahabol ng aso tapos ka-boom, magko-collide ang kanilang mga katawan habang nagtitilamsikan sa paligid ang mga nahulog na libro. At parang itinadhana pang parehong libro pa ang una nilang pupulutin, syempre dahil yun ang malapit, tapos ayun magkakahawakan ng kamay, magpapalitan ng electric waves, tapos magkakatitigan at yun na nga ang alamat ng love at first sight.

Kitams! Kahit ikaw na bumabasa nito ay alam na kahit Meralco ay hiyang-hiya sa spark-spark na naganap. Pero bakit, oh why bakit na never pa pina-experience sakin ang ganyan? Oo nainlab nako. Pero hindi yung tipong nagsimula sa isang malanding tinginan. Siguro mga labinlimang titig muna bago ko ma-realize na 'bwakananginang ang gwapo pala ng mokong na ito'. Siguro mga ilang hang-outs pa bago ko mapagtantong pag-ibig na pala kung ita-translate yung kasabikan na makasama siya. At siguro mga ilang hawak-kamay pa bago ko maramdaman yung sumisibol na pagnanasa ko sa kanya.

Ewan ko ba! Masyado lang siguro talagang sloooow ang brain cells ko sa pag-analyze ng sustansya na nakikita ng mga mata ko. O marahil eh na-misinterpret ko sa diarrhea yung pagiging uneasy ko nung nakasama ko siya.

So wag nyo akong dramahan ng mga love-at-first-sight stories nyo, please lang! Dahil isang walanghiyang 'WEH?!' lang ang maikokomento ko jan. Oo, ngumunguya ako ng ampalaya ngayon dahil nauumay nako sa katamisan ng mga korean dramas. Peace ^__^v

Saturday, December 22, 2012

Bakit Hindi Pa Pwedeng Mag-End of the World?!

1. Dahil hindi pa naman talaga end of the world! Gawa-gawa lang yan ng mga Mayans na sinapian ng katamaran para tapusin yung kalendaryo nila.

2. Dahil nakabili na ako ng 2013 planner. Mahal yun, malaking kasayangan pag di ko nagamit.

3. Dahil di ko pa nalilibot ang buong Pilipinas.

4. Dahil di ko pa naeexperience mag-skinny dipping.

5. Dahil ang dami ko pang gustong isulat na mga kwento.

6. Dahil di ko pa tapos basahin ang 50 Shades at Narnia.

7. Dahil di pa ko napapanood sa TV. Kahit bilang isang passersby lang sana sa isang commercial.

8. Dahil di ko pa nakaka-one night stand si Papa Piolo.

9. Dahil kapapasa lang ng RH Bill, di ko pa ma-feel kung tama ba ang desisyon kong maging pro. At dahil din hindi pa naisasaayos ang CyberCrime Law na yan.

10. Dahil single pa ko!! Gusto ko may kahawak-kamay at ka-kissing scene ako habang nagugunaw ang mundo.

And most of all, dahil wala naman talagang makapagsasabi kung kelan nga ang end of the world. Except Him. Ang mahalaga lagi tayong handa. We'll never know.

So itigil na ang mga haka-hakang sinimulan ng mga Mayan at pinakalat ng Facebook. Dahil hindi talaga ako makapapayag na mag-end of the world na na hindi man lang kita natitikman. Nyahaha!

Tuesday, December 18, 2012

PARA KAY B



Hindi ko maiwasang pairalin ang pagiging masokista ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nobelang hindi happy ending. Masakit na masarap, 'ika nga.

Tulad na lang nitong "Para Kay B" na katatapos ko lang basahin. The stories were all painfully real. Parang dumaranas ng acupuncture ang puso ko. Ewan, basta, may kurot ng kirot na feeling ko eh mga one week kong paglalamayan.

Sabi pa sa libro, "Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman."

Napaisip tuloy ako. Kasama ba ko sa quota? o_O

Monday, December 17, 2012


Hindi ko alam kung paano ii-status ang weekend na 'to. Bumubulusok ang mga pangyayari. Mas nanaisin ko pang alamin kung paano tumutulo ang ulan (in drops or in thread?) kesa i-analyze at gawan ng dissertation ang bawat kaganapan.

But one thing I realize, after losing so much shit in life, na habang lumalaki ka at tumatanda, unti-unti namang lumiliit ang margin of error mo sa buhay.

Nakakapagod magkamali.
Nakaka-stress magkamali.
Nakakasawang magkamali.
Nakakagutom magkamali.
At magastos magkamali.




Tsk! I sooo hate PERFECTION but at the same time, yun din mismo yung gusto ko makamtan. :/