If love is blind, anong kagaguhan ang love at first sight?
Sa totoo lang, after 25 years nang pamamalagi at pagtulala sa mundong ibabaw ay may isang topic pa rin akong di magets-gets sa buhay. Love at first sight.
Alam kong maituturing nang epidemya ang phrase na ito dahil na rin sa pagiging laganap nito saan mang sulok ng mundo. Sa mga drama sa radyo, mga nakakaurat na teleserye sa TV, mga nakakaumay sa katamisang pelikula sa sinehan, mga librong nagtatae ng kakornihan, mga masinsinang usapan ng mga tambay sa eskinita, sa gitna ng umaatikabong rounds ng tong-its ng mga senior citizens. Samakatuwid, hindi na bago ang eksena kung saan ilang patong ng libro ang bitbit-bitbit ng isang tanga at reckless na babae na makakabangga naman ng isang lalaking nagmamadali dahil hinahabol ng aso tapos ka-boom, magko-collide ang kanilang mga katawan habang nagtitilamsikan sa paligid ang mga nahulog na libro. At parang itinadhana pang parehong libro pa ang una nilang pupulutin, syempre dahil yun ang malapit, tapos ayun magkakahawakan ng kamay, magpapalitan ng electric waves, tapos magkakatitigan at yun na nga ang alamat ng love at first sight.
Kitams! Kahit ikaw na bumabasa nito ay alam na kahit Meralco ay hiyang-hiya sa spark-spark na naganap. Pero bakit, oh why bakit na never pa pina-experience sakin ang ganyan? Oo nainlab nako. Pero hindi yung tipong nagsimula sa isang malanding tinginan. Siguro mga labinlimang titig muna bago ko ma-realize na 'bwakananginang ang gwapo pala ng mokong na ito'. Siguro mga ilang hang-outs pa bago ko mapagtantong pag-ibig na pala kung ita-translate yung kasabikan na makasama siya. At siguro mga ilang hawak-kamay pa bago ko maramdaman yung sumisibol na pagnanasa ko sa kanya.
Ewan ko ba! Masyado lang siguro talagang sloooow ang brain cells ko sa pag-analyze ng sustansya na nakikita ng mga mata ko. O marahil eh na-misinterpret ko sa diarrhea yung pagiging uneasy ko nung nakasama ko siya.
So wag nyo akong dramahan ng mga love-at-first-sight stories nyo, please lang! Dahil isang walanghiyang 'WEH?!' lang ang maikokomento ko jan. Oo, ngumunguya ako ng ampalaya ngayon dahil nauumay nako sa katamisan ng mga korean dramas. Peace ^__^v